FINAL VER

1.png 2.png 3.png 4.png 5.png 6.png 7.png 8.png 9.png

“Kayo ang Boss ko”

                “Kayo ang Boss ko.” Ito ang buod ng pag-uunawa ni PNoy sa kanyang katungkulan bilang presidente ng Republika ng Pilipinas. Tatlong pagninilay sa pagkakahulugan ng mga katagang, “Kayo ang Boss ko.”

 

KAYO_ANG_BOSS_KO_HOMILY_for_website.png

 

  1. Ayon sa kanyang pag-uunawa, siya ang tagapagpatupad ng mga saloobin at mithiin ng sambayanan.

Ilang mga halimbawa ng pagdinig niya sa mga saloobin ng taong bahay: una, yung pagbawal niya sa wang-wang. Isa sa kinaiinisan ng mga tao ay ang exemption ng mga mayayaman at makapangyarihan sa mga simpleng batas—paglinya sa govt agencies at pagsunod sa traffic regulations. Sa pagbabawal ng wangwang, tinanggal ni PNoy ang isa sa mga pribiliheyo ng mga makapangyarihan. Ipinabatid niya na sa ilalim ng kanyang administrasyon ang lahat ng mamamayan ay pantay-pantay .

Isa pang halimbawa ay ang pagbawal niya sa mga epal, ang pagpaskil ng pangalan ng mga pulitiko sa mga billboard ng mga proyektong infrastruktura na di pinondohan ng buwis ng mga mamamayan.

Ikatlong halimbawa ay ang pagtatalaga ng Conditional Cash Transfer Program, ang pag-abot ng ayuda sa mga nasa laylayan ng lipunan. At dahil sa pag-unlad ng ekonomiya at pagsisikap ibahagi ang pag-asenso ng bayan sa mga pinakamaliliit na tao, ayon sa NHTS for Poverty Reduction, pitungput-pitong milyong Pilipino ang naiahon mula sa kahirapan.

Ito’y mga sagisag ng pagpapahalaga ni PNoy sa mga maliliit na tao na madalas dehado sa buhay, madalas pinagsasamantalahan ng mga mayayaman at makapangyarihan. Sa kabila ng mga pagkukulang ni PNoy, sinubukan niyang pakinggan ang tinig ng mga maralitang Pilipino at tugunan ang kanilang mga adhikain.

  1. Ikalawang pagkakahulugan ng mga katagang, “Kayo ang Boss ko”: ang pangulo ang

tagapagtaguyod ng demokrasya, katarungan at kalayaan. Boss niya ang katuwiran, kabutihan at katotohanan. Hindi indibiduwal, hindi partidong pulitikal, kundi mga pinakamatayog nating mithiin bilang bansa ang siyang tunay niyang boss, ang tunay niyang pinaglilingkuran.

Ayon kay PNoy: “Nilabanan ng aking ama ang diktadura at ibinuwis niya ang kanyang buhay para tubusin ang ating demokrasya. Inialay ng aking ina ang kanyang buhay upang pangalagaan ang demokrasyang ito. Ilalaan ko ang aking buhay para siguraduhin na ang ating demokrasya ay kapaki-pakinabang sa bawat isa. Namuhunan na kami ng dugo at handang gawin itong muli kung kinakailangan.”

                Naaalaala rin natin ang paghabol ni PNoy sa mga pinakamakapangyarihang nakaligtas sa kamay ng batas. Sa World Economic Forum na idinaos sa Maynila noong 2014, sabi ni PNoy: “We pursued all those who committed wrongdoing – regardless of their power, wealth, or influence. As you may have guessed, tangling with these very wealthy individuals and sectors with vested interests was not an easy task. But those in our administration were not shaken: Dismantling the culture of corruption was a promise we made to the people.

                Sa pagtaguyod ng demokrasya at pagsugpo sa kurapsyon, ipinamalas ni PNoy na sa kalaunan ang tunay niyang Boss ay ang Panginoong Maykapal at ang salita ng Diyos.

  1. Ikatlong pagpapakahulugan ng mga katagang, “Kayo ang Boss ko”: ang pangulo ang siyang

pangunahing tagapagtanggol ng Inang Bayan, ng lahat ng kasapi ng ating bansa at kalakip ng ating arkipelago.

                Ayon kay Truong Trieu Duong, dating ambassador ng Vietnam sa Pilipinas, si PNoy ang tanging pangulo ng anumang bansang humarap sa Tsina sa pagkamkam nila ng mga isla natin sa West Philippine Sea at ibang bahagi ng South China Sea: by filing a case against China’s incursions at the Permanent Court of Arbitration at The Hague “President Aquino… was the one and only president in the world who dared to challenge China’s vast claim over almost the entire South China Sea and finally won the difficult battle.”

Paliwanag ni PNoy sa ikalawa niyang SONA noong 2011: “Wala tayong balak mang-away, pero kailangan ding mabatid ng mundo na handa tayong ipagtanggol ang atin.”  Dagdag pa niya, “Hangga’t buo ang ating pananalig at tiwala, at hangga’t nagsisilbi tayong lakas ng isa’t isa, patuloy nating mapapatunayan na, ‘the Filipino is worth dying for,’ ‘the Filipino is worth living for,’ at idadagdag ko naman po, ‘The Filipino is definitely worth fighting for.’”

Anak ni Ninoy at Cory

Ninoy

Kung ano ang puno, siya ang bunga. Namana ni PNoy sa kanyang mga magulang, sina Ninoy at Cory, ang magiting niyang diwa at pusong handang ilaan ang buong sarili sa mga minamahal.

Ayon sa sulat ni Ninoy sa tangi niyang anak na lalaki: “The only valuable asset I can bequeath to you now is the name you carry. I have tried my best during my years of public service to keep that name untarnished and respected, unmarked by sorry compromises for expediency. I now pass it on to you….

At sa harap ng posiilidad na hatulan siya ng kamatayan ng Court Martial sa ilalim ng administrasyon ni Marcos, ani ni Ninoy: “… Some people suggested that I beg for mercy from the present powers that be. Son, this I cannot do in conscience. I would rather die on my feet with honor, than live on bended knees in shame… It takes little effort to stop a tyrant. I have no doubt in the ultimate victory of right over wrong, of good over evil, in the awakening of the Filipino.

Cory

               

                Kung binigkas ni Ninoy, “The Filipino is worth dying for,” ipinamalas naman ni Tita Cory, sa kanyang panunumbalik ng ating demokrasya “that the Filipino is worth living for.” Bagamat hindi siya handang manungkulan bilang presidente, tumalima siya sa tawag ng Diyos at bayan na ialay ang buong sarili para sa kapakanan ng ating bansa:

               

“I was a reluctant candidate for the presidency. But when the leaders of the opposition then explained to me that only I could unite the opposition against Marcos, I decided to accept the challenge. Marcos cheated in the snap election, but People Power brought me to the presidency. I faced enormous problems during my presidency, but with the help of the people, we restored democracy” (Global Forum of Women, 2000).

                Mula sa papanumbalik ng Kongreso at pagbubuo ng Bagong Saligang Batas hanggang sa pagdaos ng malayang halalan, pinatunayan ni Tita Cory, “that the Filipino is worth living for.” Wika niya, “June 30, 1992 was therefore one of the proudest moments of my life. I was stepping down and handing the presidency to my duly elected successor…. This moment is democracy’s glory: the peaceful transfer of power without bloodshed, in strict accordance with law” (acceptance speech of William Fullbright Prize).

Epilogue

Minana ni PNoy kina Ninoy at Cory ang kanyang kagitingan sa gitna ng paghihirap at masidhing pagmamahal sa bayan. Noong yumao si PNoy, ibinahagi ng kaibigan kong si Detdet Nisperos Puente na sa kasalukuyang naninirahan sa Boston: “Alex, my husband, and I have become friends with Fr Woods of Boston College. He served as spiritual director of Ninoy during his exile there. In one of our conversations, Fr Woods recounted a father and son ‘shouting bout’ that he witnessed…. Ninoy decided to go home in 1983; he wanted Noynoy to be safe and stay in Boston. But Noynoy, then a young man, fought back fiercely. Fr Woods remembered Noynoy saying, ‘I am going home because I want to serve my country, OUR country!!! Don’t you ever tell me to turn my back on my country just to keep me safe”

Maraming salamat, PNoy, dahil hindi mo kami tinalikuran. Salamat sa pagtataya mo ng buhay mo sa ating bayan. Lahat ng pinaghirapan mo aming aalagaan. Buhay mo sa lupang ibabaw ay tunay ngang may saysay, kabuluhan at halaga para sa ating bayan.

Mula sa kanyang talumpati sa Ateneo de Manila University noong 2011, winika ni PNoy: Simple lang naman po ang pangarap ko sa buhay: Kapag tinawag na ako ng Poong Maykapal, at sinabi Niyang finished or not finished, pass your papers, maipagmamalaki kong naiwan ko ang mundong ito nang mas maayos kaysa sa aking dinatnan. Iyan din po ang panawagan ko sa bawat isa sa atin.

 

Fr. Manoling V. Francisco, SJ

12th Death Anniversary of Former President Corazon C. Aquino 

and 40th Day Memorial of Former President Benigno C. Aquino III

Copyright © 2024 Tanging Yaman Foundation, Inc. All Rights Reserved.Designed by Dennis Jimenez